CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Sunday, April 19, 2009

"Save me." -baby seals

How would you like it to be whacked hard over the head as a "sport"!?






Norway and Canada have a new kind of tourism. Killing baby seals. They call it a "sport".



You want to call this a sport ?


Is he a sportsman?



Why?




You're our only hope !!!



This barbarism shouldn't be possible in our society.




Don't turn your back on us, we are defenseless



I know these images seem painful for you, but we feel the pain.

We are being slaughtered and its going on RIGHT NOW...



What gives him the right to kill us?

Who is he to decide about life and death?



What kind of sport is this?

I didnt harm anyone. I was just swimming around..





Please help me and my friends...




You cant just ignore these images..

Keeping silent and doing nothing makes you guilty...




Please help us



Please dont leave us alone...



STOP THE KILLING OF SEALS




You can make a statement by
reposting this to get as many people as you can
to repost this.
Bring these murderers to the attention
of world leaders.
Thank you!!!!




Please continue spreading and posting this link around.

Wednesday, April 8, 2009

it's just emotions taking me over...

"How do know you that it's love?"
"What else would it be? Infatuation? There are things you wouldn't do just because of infatuation."
"How do you differentiate them?"
"Infatuation is silly, childish. Based on ego or desire for personal gain. It is temporary and shallow. Love is when you start wishing that you and your guy played Satine and Christian in Moulin Rouge but this time you dream for the play to last forever."
"You speak like life's a big fairytale. You make it sound so easy. Na parang nagbabasa lang ng libro."
"Kaya lang naman nagiging complicated yan eh dahil everybody is afraid to fall."

So it's 3:10am and I can't sleep. I know sinanay ko kasi ang sarili ko na matulog ng late. RAWR.

"kamusta na? Andyan ka pa? Wala na yata magagawa kundi tumawa..."
Mata | Mojofly

Do you believe that emoticons and smileys are used to HONESTLY show how people feel?

People said I have a nice smile but it seems to be a threshold of secrets.

My smiles were never fake, I tell you. They never were. But sometimes they serve as cover.

"So you invade my sleep and confuse my dreams.."
Stuck On You | Paramore

Don't feel bad. Quits lang. Remember?

"Should I give up or should I just keep on chasing pavements even if it leads no where?"
Chasing Pavements | Adele

So, how do you build up confidence after a darn stupid trip?

"You are my sweetest downfall..."
Samson | Regina Spektor

I might be falling for him without him knowing that his gravity is really pulling me down.
My heart's been beating a different, nervous, lonely beat since I've encountered him and his witty remarks. My heart's been painfully working for my body even though it's hurt and weak. It has been faithful and loyal. I'm scared. I don't know what it is but I'm scared.

"I've gone too far to come back from here but you don't have a clue, you don't know what you do to me..

won't someone stop this song, so I won't sing along,
someone stop this song, so I won't sing.

I never let love in so I can keep my heart from hurting. The longer that I live with this idea, the more I sink in.."
Stop This Song | Paramore

It's easier to show people you are happy -- you don't get attacked with questions. Showing everybody your sentiments is like provoking hungry lions with a big piece of meat. I get all panicky when I am asked.

"And I'd give up forever to touch you 'cause I know that you feel me somehow.."
Iris | Goo Goo Dolls

I don't want the world to see me, 'cause I don't think they'd understand. :]
"Don't feel bad. Sabi nga ni Bob Ong, quits lang."
"It doesn't make me feel better.. I wanna cry for three reasons: 1. I've never felt so down, low and degraded. 2. How can I forgive myself for how I made others feel? 3. Tama si Bob Ong."
"Tingnan mo 'yung moon."

"You got me for your prey.."
Spider Webs | No Doubt

These are the possible reasons why...
A. I'm ugly
B. I'm fat
C. He isn't really interested in girls
D. He's gay
E. He has his eyes for someone else
F. All of the above
What do you think?

Friend1: C?
Friend2: E?
Me: D? No, I was really betting on A or B but my pride won't let me say it.

"I'm all out of faith, this is how I feel, I'm cold and I'm ashamed lying naked on the floor. Illusion never changed into something real. I'm wide awake and I can see the perfect sky is torn. You're a little late..I'm already torn."
Torn | Natalie Imbruglia

End: 3:51
I don't expect to fall asleep right away..

coz I'm still singing..
"it creeps in like a spider, can't be killed..although I try and try to..but can't you see? I'm falling.. Don't wanna love you, but I do.."
Stop This Song | Paramore

'Wag kang magreklamo, blog ko 'to. :)
My advice: You should never let anyone make you feel this way.
It's funny how my advices are true, yet I cannot do them.

ang kulay ng blog ko, katuwa.
I changed the end time THREE TIMES.

Friday, February 27, 2009

BS Development Communication ako. LOUD and PROUD.

I was at the Humanities Building with Ijhei Salig when some guy sat with us to chat. He was kind of "okay" until we reached this conversation...

Jud: Ah. Di delayed si Chaba?
Him: Hindi. ComArts 'yun eh.
Jud: ahh...
Him: Ah devcom ka? Hindi ka dapat delayed.
Jud: anong ibig mong sabihin na 'di dapat delayed?
Him: 'Di naman sa iniinsulto ko ang DevCom pero relatively mas mabait ang mga prof. sa labas ng PhySci. O ganito, sa DevCom ba pag nagkamali kayo ng sulat may mapapatay kayong tao? Sa Chem, magkamali ka ng sulat pede kang may mapatay na tao.
Jud: ahh...sabagay. Pero sa DevCom, 'pag nagkamali kami ng sulat, pedeng kami ang patayin.

Eto pa...

xxx: Ah. Edi mas pinadali course n'yo kasi wala na kayong Math14 at Chem?
Jud: o edi sige.. isolve mo poverty.

Di pa nakuntento.. pati ibang course dinamay pa..

aaa: kaya lang naman US (university scholar) 'yun kasi Socio course nya. Halos puro G.E. lang naman subject nya.

Isa pa...

bbb: dapat may chem din kayo para mahirapan din kayo.

Namumuro na. =|

Salamat sa pagsasabing madali ang course namin ha.
THE HELL WITH YOU. =))
Oo, ang dali-dali ng course ko. Grabe. *rolls eyes*



To all the effin ass-scratchers, ass-kissers and assHOLES degrading my course,

ISANG MALAKI, MALUTONG, BAGONG PRITO at SPICY na F-U.

Don't f*n tell me that we're less important than your oh-so-cerebral course just because our articles and write-ups cannot kill anyone...

MIND YOU.. WE CAN.

Don't f*n tell me that our course is less intellectual because we don't take-up subjects such as math, chem and bio...

WE WERE MADE TO SOLVE/HELP SOLVE THE GREATEST PROBLEM YOUR CHEMISTRY CANNOT SOLVE: POVERTY.

Wala naman kasing course na madali kaya sana walang kupalan. Try proposing 20 topics and just get a comment like, "Mag-isip ka pa." TOPIC PALANG YUN.
Then you retort with, "Sir, wala na po ako maisip." And get a reply of, "'Di pedeng wala ka na maisip. You have to wreck your brains out."
Buti pa ang nga ang Chem, Physics, Math, Bio...may saktong answer. Kami instict at ang ever-mysterious and ever-unexplainable element na human interest lang.
Wala naman sanang kupalan kasi 'di naman namin nilalait mga course n'yo dahil alam naman namin na mahalaga 'yan. Alam namin na mahirap 'yan.

ALAM NAMIN.
EH KAYO ALAM N'YO BA ANG SAMIN?

Saturday, February 7, 2009

Batang 90's (grabbed from Kuya Fil: unknownfil.multiply.com)

kung nakakarelate ka, batang 90's ka...haha!

• Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.


• May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.


• Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

• Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

• Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.

• Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.

• Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

• Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.

• Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

• Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.

• Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.

• Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.

• May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

• Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

• Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

• Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.

• Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.


• Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

• Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.


• Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

• Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

• Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.


• Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

• Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.


• Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

• Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

• Sumasayaw ka ng Macarena.

• Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.

• Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.

• Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

• Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

• Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

• Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

• Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

• Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

• Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

• Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

• Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.

• Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

• Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

• Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

• Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

• Napanood mo ang Batang X.

• Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

• Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"


• Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.

• Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

• Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

• Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

• Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

• Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.


• Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.

• Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

• Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

• Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

• Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.

• Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.



****nyahahahaha! kamisssss!!! :p
isa lang ang clip ko na may butterfly at never ko pa sinuot! :)))))
wala akong paper dolls! text at pog at tirador lang!****

Wednesday, January 28, 2009

Stages of life through change

Napag-usapan sa LTS namin kanina ang stages of life na napapansin through changes. :)

It has been a year since
1. natapos kami ni Herdie (as if naman hindi pa alam ng lahat!)
2. akala ko may magsstart ang kay pero natapos din (sad. napanaginipan ko s'ya. =[ )

CELEBRATE! lol. Joke. :))
Parang tanga eh. :))

ANYHOOOO..

First, I realized that after our break-up I had been more honest with other people. I say what I feel at the moment I feel it. Sad thing is, sometimes (or most of the time), what I feel is temporary and after a week, a day or an hour, I realize it isn't how I really feel.

Secondly, I wasn't ready for anything yet I did something. They say I'm more of the boy instead of the girl in a relationship. I'm scared of commitment. (oops, boys, sila may sabi nan! nooot me!) I'm just wondering, am I the only one like this? Ready na ba talaga kayo matali forever sa partner n'yo? I mean, sure? That's how you feel?

Third, I don't miss Herdie but I miss the presence. It's not lonely being single but I do miss the presence of a boyfriend. But, sure as hell, I am not ready for a second round...or third if you consider the first one, I sure don't.

Fourth, my pride is still... the same. Or worse, it went waaaay higher. Sometimes, it's harder for me to be honest with myself than to be honest with other people.

Fifth, it's not easy to move on even if the feelings are gone. Statement: I don't love him anymore. I don't feel the way I used to when I was madly in love with him. But I can't remove the worry whenever he does stupid things. I'm still attached to the standars he created. It sucks.

Sixth, whenever I get interested with someone and he pays the same attention I do, I lose my interest. This one I can't explain! (You are free to provide explanations if you wish)

Seventh, I am soooo freaking grateful for my friends! Their presence just makes me so satisfied... even for a moment. Because..

Eighth, people really has no satisfaction. It's human nature to want something else. Even for once you did feel this way.

Ninth, I'm not as mature as you or I think. Maybe, admitting these things can be considered mature but I think I don't feel that way. I'm still a kid. I need more experiences to be mature. People claim to be adults at my age, but I think the first step to maturity is admitting you not yet one. Admitting you have yet to discover a lot of things. The world, though small, has plenty of things hidden awaiting to be unleashed and seen.

Tenth, I really am not having a hard time making friends. :) And usually I don't make sense...every night, before I sleep, I ponder on the sensible things that happened that day.


And at the end of this all, I leave you this song:

Hand In My Pocket by Alanis Morisette

I'm broke but I'm happy
I'm poor but I'm kind
I'm short but I'm healthy, yeah
I'm high but I'm grounded
I'm sane but I'm overwhelmed
I'm lost but I'm hopeful baby
What it all comes down to
Is that everything's gonna be fine fine fine
'cause I've got one hand in my pocket
And the other one is giving a high five
I feel drunk but I'm sober
I'm young and I'm underpaid
I'm tired but I'm working, yeah
I care but I'm restless
I'm here but I'm really gone
I'm wrong and I'm sorry baby

What it all comes down to
Is that everything's gonna be quite alright
'cause I've got one hand in my pocket
And the other one is flicking a cigarette
And what it all comes down to
Is that I haven't got it all figured out just yet
'cause I've got one hand in my pocket
And the other one is giving the peace sign
I'm free but I'm focused
I'm green but I'm wise
I'm hard but I'm friendly baby
I'm sad but I'm laughing
I'm brave but I'm chickenshit
I'm sick but I'm pretty baby

And what it all boils down to
Is that no one's really got it figured out just yet
'cause I've got one hand in my pocket
And the other one is playing the piano
And what it all comes down to my friends
Is that everything's just fine fine fine
'cause I've got one hand in my pocket
And the other one is hailing a taxi cab

'Cause I've got one hand in my pocket and in my pocket is a cross.
'Cause I may be very lost but I couldn't care less because I'm young and I can commit as many mistakes as I want.
'Cause experience is my best teacher so far.
'Cause I won't change for anyone but myself.
'Cause if you expect, you'll get disappointed.
'Cause all you can do is love me and accept me for who I am.

'Cause I know at the end of each and every day everything is going to be fine.

'Cause I pray and smile :)

Friday, January 23, 2009

JUDITHPUNZALAN


JUDITHPUNZALAN
Originally uploaded by JudithJudsJud
FIIIIHAAANAAALLY.

Anyway, this a picture taken in Mahogany Market. I'm a sucker for flowers. I love flowers with very vivid colors. In the background there's the beautiful, perfect sunny and blue sky. So, there.. It took me time to access this sooooo... BYE!

Labas na UPCAT results for batch '09

Naalala ko no'ng January 12, 2008 ko nalaman ang results ng UPCAT namin. Tanda ko 'yung date kasi birthday 'yan ng lola ko. No'ng day na 'yun, umiiyak ako kahit kumakain kami sa labas kasi nga birthday n'ya. Imbis na happy happy, eh umiiyak ako.

Hindi ko tanda ang exact date ng admission test no'ng 2007. Ang tanda ko lang, nahirapan ako. Sobrang mababa ang kumpyansa ko sa sarili ko kasi simula no'ng nag-high school nawala na ako sa honor roll. I know, sad. Ang nagpababa pa lalo ng self-esteem ko eh, parehas kami ng building na pag-kukuhanan ng exam ng valedictorian namin, so, paglabas n'ya ng building ando'n ako. At ayon, paglabas n'ya, umiiyak s'ya kasi mahirap daw.

"ANAK NG...pa'no pa ako papasa nito?!"

Sabi ng tatay ko, nagaaksaya lang daw ako ng pera at energy dahil hindi naman daw ako papasok sa UP unless Nursing ang course na kukuhanin ko. Sa isip ko, "Lintik na nursing 'yan nauso pa."

Do'n nagsimula ang iyakan blues ko. Ayoko talaga ng nursing. Hindi ko pinangarap 'yan. As in..... NEVER. Doctor, oo. Pero nursing..NO. Hindi ko alam pero ayoko talaga s'yang gawing trabaho. Oh, sa mga nursing dyan eh 'wag kayo maiinsulto, ayoko lang talaga. Opinyon ko 'yun.

Nag-exam din ako sa DLSU, pasado rin naman ako, pero ayoko rin dun kasi malayo. UPLB talaga gusto ko.. ambisyosa na kung ambisyosa pero elementary palang kami naiimagine ko na sarili ko na sa UPLB nag-aaral. Bata palang kasi ako, pinamulat narin sakin na maganda talaga sa UP. Tapos UPLB graduate ang karamihan sa pamilya ko.

So, ayun, dumating ang January 12 at nalaman ko nga na pumasa ako. Dumating kami sa bahay at nag-net ako. Umalis ulit si Lola kasi may party syang pupuntahan with her amigas. (LOL). Tapos may nagtext sakin na i-check ko na raw sa internet. (mycadaver.multiply.com -- salamat) Ayun, check naman ako, pero nasa isip ko nun, "Anu ba yan. Asa pa naman ako. UP yan. Di naman ako honor." Pagtingin ko, tadaa!

PUNZALAN, JUDITH CLARISSE B. daw!

*dials lola's number*

Lola: Hello? oh?
Jud: Lola?
Lola: Oh? Bakit?
Jud: Lola, pumasa ata ako sa UP, pero 'di ko sure. Baka namamalikmata lang ako.
Lola: Ah ganun ba? Sige maya na natin pag-usapan pagdating ko.

*hangs up*

Tapos umiyak ako sa tuwa. Mahal ako ni Lord. At ang first instance na nasabi kong dapat na nasa UP nga ako is when I insisted na dun ako mag-aral.

Jud to Daddy: pasado po akong UP. ayoko po mag-nursing. ganito nalang po. magtatapos ako ng gusto kong course tapos punta ako dyan tapos magtatrabaho ako tapos mag-aaral ulit ako.

Oo naman si Daddy. Hanggang ngayon di ko sure kung sure ba ako sa sinabi ko. Basta sakin gusto ko ang course ko ngayon. Di naman ako mapapasaya ng pera ng nursing eh, hello? Holidays? May trabaho? Ni wala na ako magiging oras sa mga magiging anak ko pag nagnursing ako, kaya ayoko talaga. Nurse ang nanay ko at ni five minutes di nya ko mapaglaanan, pero di ako bitter, kasi alam kong ginagawa nya 'yun for me.

Hanggang ngayon kinukulit pa din ako ng tatay ko na magnursing. Ingat na ingat nga ako na hindi magreklamo sa matrabahong DevC11 eh kasi sasabihin nya, "O sha wag ka na dyan"

Jud: BADTRIP YUNG DEBCOM!!! *blah blah blah*
Daddy: Oh sha.. umalis ka na dyan sa UP.
Jud: sus. dali dali nga ng course ko weh. dali talaga.


So, ayun. Sa mga incoming freshies, CONGRATS!!! Goodluck sa magiging buhay n'yo sa susunod na school year. PERO KUNG AYAW NYO TALAGA SA UP AT PAPASOK LANG KAYO DAHIL SA PANGALAN, eh baka di lang din kayo magenjoy dito.

At sa mga na-depress dahil di nakalusot, eh ayos lang yan for dalwang reasons: Una, di lang UPCAT ang pedeng way para makapasok. Pangalawa, eh di lang naman UP ang way to success.

At natutunan ko rin na hindi lang school grades ang basihan para malaman ang totoong talino ng isang estudyante, di rin exams. Sa diskarte kung pano makakasurvive yan.

Ayun, Congrats ulit. :)


~~~~~~~~~~~~~~~
After ng UPCAT

Batch '08 student talking to a former schoolmate: Musta UPCAT?
UPCAT Examinee: Madali lang. Kung madaming time baka naperfect ko pa.

Makalipas ang ilang buwan...


Batch '08: UUUY! LABAS NA UPCAT! .....ngunit nasan ang pangalan ni UPCAT EXAMINEE?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~