CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Saturday, May 2, 2009

Sunday Bloody Sunday

Before mag-1 AM nag-goodnight-an na kami ni Xiao. Pero wala, talagang 'di pa ako inaantok at makulit pa rin ako. So nagkulitan lang kami sa Friendster na ginawa na naman naming chat room at sa Blog n'ya na katumbas lang din ang kakulitan. Hanggang mga 2 AM siguro 'yon at n'ong narealize ko na sisimba nga pala ako ng 7:30 AM sabi ko sa sarili ko tutulog na 'ko. [O ayun, Judith, nag-monologue ka na naman!]

So natulog na nga ako at gumising ng 6:30 AM para maligo. Actually, bago ako naligo binuksan ko muna ang laptop kong si MGA KASIYAHAN at sumagot muna ako sa mga tao [by mga tao I mean Xiao. haha.]

Umalis kami ng bahay ng 7 AM papuntang Saint Therese. Syempre naka-earphones ako habang nagkkwento si lola ng mga bagay na wala naman talaga akong pakialam kaya ang reaction ko lang laging tango at 'pag nagtanong s'ya sasagutin ko.
Note: Masama kung masama, ganan din kaya s'ya sa'kin. Quits.

Nasa Saint Therese na kami after mga 20 minutes siguro at nakaupo na kami. 'Di kami naguusap. Na ka u po lang talaga. Maya-maya, kinulbit ako ni lola, nakangiti s'ya at sinabing, "Baliktad pala ang damit ko." Oo, nasa harapan n'ya ang dapat nasa likod. Panalo talaga 'tong si lola. Comedy kasama. Ngumiti nalang ako n'on at sinabing sasamahan ko s'ya sa CR pero hindi na raw, s'ya nalang daw. Natatawa s'ya sa sarili n'ya n'on. JUSMIO, lola.

Matatapos na ang mass at lumipat na kami sa likod na part ng simbahan ng may dumaang dalwang teenager na nakaSUPERHIGHHEELS. Mukha silang mas bata kesa sa'kin. Masama talaga ang tingin ko dun sa high heels kasi mukha silang trying hard at social climber. Napansin kong tiningnan din pala ni lola ang mga high heels na ito. 'Di talaga pinapalampas ni lola ang mga ganito. Winner.

Pagkatapos ng mass pumunta kami sa McDo para magbreakfast. Wala naman nangyaring funny except when sumisigaw si lola from the counter to our table. It never fails. Kahit saang Food Chain or restaurant kami nadon eh lagi s'yang sumisigaw para i-confirm ang gusto kong orderin. Gusto ko man ako nalang ang umorder eh hindi rin s'ya papayag dahil wala naman akong Senior Citizen card.

Pagkatapos namin kumain lumabas na kami, nagpaalam s'ya sa brod ni lolo na nakasabay namin kumain sa McDo tapos naglakad na kami para sumakay ng Jeep. Pagkasakay namin ng jeep may mamang kuskos ng kuskos ng kamay sa pantalon n'ya. AS IN. Siguro mga more than 20 times n'yang ginawa 'yun. Hindi ko alam bakit pero nabother ako, at napansin kong nabother din si lola. Tinitigan n'ya ang mamang walang malay. Wala s'yang kaalam alam na pinapatay na s'ya figuratively ng tingin ng lola ko.

Sunday is bonding day talaga with lola. Nakikichismis s'ya sa mga crush ko, mga kabarkada ko, mga prof ko, at iba pang mga kailangan pagchismisan ng mag-ina. Para ko na talagang nanay si lola. OWEL.

Nga pala, may pinatay na Journalist sa Zimbabwe for commiting journalism. Yes naman. At least 125 journalist ang nakakulong ngayon all-over the world and may 400 na atang napapatay na mga journalist this past decade. So, ano, Judith, DevJourn pa?

Nasa Vegas parents ko ngayon, nanood ng laban ni Pacquiao. Na sabi nila eh...corny raw dahil 2nd round palang over na. LOL.

0 comments: