CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS

Friday, January 23, 2009

Labas na UPCAT results for batch '09

Naalala ko no'ng January 12, 2008 ko nalaman ang results ng UPCAT namin. Tanda ko 'yung date kasi birthday 'yan ng lola ko. No'ng day na 'yun, umiiyak ako kahit kumakain kami sa labas kasi nga birthday n'ya. Imbis na happy happy, eh umiiyak ako.

Hindi ko tanda ang exact date ng admission test no'ng 2007. Ang tanda ko lang, nahirapan ako. Sobrang mababa ang kumpyansa ko sa sarili ko kasi simula no'ng nag-high school nawala na ako sa honor roll. I know, sad. Ang nagpababa pa lalo ng self-esteem ko eh, parehas kami ng building na pag-kukuhanan ng exam ng valedictorian namin, so, paglabas n'ya ng building ando'n ako. At ayon, paglabas n'ya, umiiyak s'ya kasi mahirap daw.

"ANAK NG...pa'no pa ako papasa nito?!"

Sabi ng tatay ko, nagaaksaya lang daw ako ng pera at energy dahil hindi naman daw ako papasok sa UP unless Nursing ang course na kukuhanin ko. Sa isip ko, "Lintik na nursing 'yan nauso pa."

Do'n nagsimula ang iyakan blues ko. Ayoko talaga ng nursing. Hindi ko pinangarap 'yan. As in..... NEVER. Doctor, oo. Pero nursing..NO. Hindi ko alam pero ayoko talaga s'yang gawing trabaho. Oh, sa mga nursing dyan eh 'wag kayo maiinsulto, ayoko lang talaga. Opinyon ko 'yun.

Nag-exam din ako sa DLSU, pasado rin naman ako, pero ayoko rin dun kasi malayo. UPLB talaga gusto ko.. ambisyosa na kung ambisyosa pero elementary palang kami naiimagine ko na sarili ko na sa UPLB nag-aaral. Bata palang kasi ako, pinamulat narin sakin na maganda talaga sa UP. Tapos UPLB graduate ang karamihan sa pamilya ko.

So, ayun, dumating ang January 12 at nalaman ko nga na pumasa ako. Dumating kami sa bahay at nag-net ako. Umalis ulit si Lola kasi may party syang pupuntahan with her amigas. (LOL). Tapos may nagtext sakin na i-check ko na raw sa internet. (mycadaver.multiply.com -- salamat) Ayun, check naman ako, pero nasa isip ko nun, "Anu ba yan. Asa pa naman ako. UP yan. Di naman ako honor." Pagtingin ko, tadaa!

PUNZALAN, JUDITH CLARISSE B. daw!

*dials lola's number*

Lola: Hello? oh?
Jud: Lola?
Lola: Oh? Bakit?
Jud: Lola, pumasa ata ako sa UP, pero 'di ko sure. Baka namamalikmata lang ako.
Lola: Ah ganun ba? Sige maya na natin pag-usapan pagdating ko.

*hangs up*

Tapos umiyak ako sa tuwa. Mahal ako ni Lord. At ang first instance na nasabi kong dapat na nasa UP nga ako is when I insisted na dun ako mag-aral.

Jud to Daddy: pasado po akong UP. ayoko po mag-nursing. ganito nalang po. magtatapos ako ng gusto kong course tapos punta ako dyan tapos magtatrabaho ako tapos mag-aaral ulit ako.

Oo naman si Daddy. Hanggang ngayon di ko sure kung sure ba ako sa sinabi ko. Basta sakin gusto ko ang course ko ngayon. Di naman ako mapapasaya ng pera ng nursing eh, hello? Holidays? May trabaho? Ni wala na ako magiging oras sa mga magiging anak ko pag nagnursing ako, kaya ayoko talaga. Nurse ang nanay ko at ni five minutes di nya ko mapaglaanan, pero di ako bitter, kasi alam kong ginagawa nya 'yun for me.

Hanggang ngayon kinukulit pa din ako ng tatay ko na magnursing. Ingat na ingat nga ako na hindi magreklamo sa matrabahong DevC11 eh kasi sasabihin nya, "O sha wag ka na dyan"

Jud: BADTRIP YUNG DEBCOM!!! *blah blah blah*
Daddy: Oh sha.. umalis ka na dyan sa UP.
Jud: sus. dali dali nga ng course ko weh. dali talaga.


So, ayun. Sa mga incoming freshies, CONGRATS!!! Goodluck sa magiging buhay n'yo sa susunod na school year. PERO KUNG AYAW NYO TALAGA SA UP AT PAPASOK LANG KAYO DAHIL SA PANGALAN, eh baka di lang din kayo magenjoy dito.

At sa mga na-depress dahil di nakalusot, eh ayos lang yan for dalwang reasons: Una, di lang UPCAT ang pedeng way para makapasok. Pangalawa, eh di lang naman UP ang way to success.

At natutunan ko rin na hindi lang school grades ang basihan para malaman ang totoong talino ng isang estudyante, di rin exams. Sa diskarte kung pano makakasurvive yan.

Ayun, Congrats ulit. :)


~~~~~~~~~~~~~~~
After ng UPCAT

Batch '08 student talking to a former schoolmate: Musta UPCAT?
UPCAT Examinee: Madali lang. Kung madaming time baka naperfect ko pa.

Makalipas ang ilang buwan...


Batch '08: UUUY! LABAS NA UPCAT! .....ngunit nasan ang pangalan ni UPCAT EXAMINEE?!
~~~~~~~~~~~~~~~~~

0 comments: