Ako si Miss Know-it-All. Aminado ako sa pagmamarunong ko sa maraming bagay pero never akong naging si Miss Perfect. Alam ko ang mga bagay na tama at mga bagay na mali pero kahit kelan hindi ko sinunod lahat ng tama at iniwasan lahat ng mali.
Ako si Miss Pride. Ang pride kong nagmimistulang Skyscraper noon...ay parang binombang Twin Towers ngayon -- bagsak. Sa tingin ko kaya ko na magbaba ng pride ngayon. Kaya ko naman noon eh, pero mas kaya ko na ngayon.
Ako si Miss Stupid. Tanga akong tunay. Hindi ko nga naman kasi ginagamit ang utak ko. Pero ang naging kasalanan ko lang ay ang hindi pagtago sa emotions ko at ang hindi pagpigil sa nararamdaman ko. Pero kahit na tanga pa rin akong tunay.
Ako si Miss Crybaby. Iyakin ako.. patay tayo dyan. Pero alam kong lahat ng iniyakan ko ay worth the tears. Bakit? Una ay ang tears of joy na dala ng mga kaibigan ko at pangalwa ang tears of...uhm...pain...na dala ng mga taong importante sa'kin. Hindi kita iiyakan kung hindi ka importante sa'kin. Kung hindi kita tanggap at kung kaya kitang mawala.
Ako si Miss Assuming at Miss Feeling. Madalas akong maniwala lang sa nararamdaman ko, alam ko at sinabi sa'kin. Observant ako, pero minsan hanggang pag-o-observe na lang at hindi na nagtatanong.
Ako si Miss Laitera. Kung makukulong lang ang mga lintik manlait sa mundo siguro death na ang sentence ko. Tamaan na ng swine flu ang mga tumatanggi na never silang nanlait ng ibang tao. Kupal ka man o hindi, nakapanlait ka na rin, one way or another.
Ako si Miss Tough. Usually, wala akong pakelam sa sinasabi ng iba tungkol sa'kin. Sa tingin ko ang lalala nalang sa mga nasabi na sa'kin (tanga, bobo, pu**ng*n*, etc) ay ang MA-L. Eh wala rin naman akong pakelam kahit sabihan mo ako ng ganan kasi virgin ako. Turo ko nalang sa'yo sino ang ganyan. (haha) Sinasabi ko before, "no one can control me." (alam ng mga kaibigan ko 'yan) Hindi nila ako napipilit sa bagay na ayaw ko..at hindi nila ako napipigilan sa bagay na gusto ko. Hindi rin ako na-a-apektuhan ng mga lalaking cheber dati kasi sabi ko, "men are becoming predictable." Stand ko pa rin ang I AM WHO I AM and I WILL ONLY CHANGE FOR MYSELF and NOBODY ELSE. Ako 'to. Take it or Leave it.
Ako si Miss Always Right. Lagi akong tama sa mga sinasabi ko before. Mula sa tamang pagkain hanggang sa pagpili ng boyfriend ng kaibigan. Tama ako sa mga haka-haka ko at mga palagay ko pagdating sa ibang tao. At tama rin ako ng sinabi kong ako ay isang ingredient for mass chaos.
Ako si Miss Independent. Sampung taon akong walang magulang sa tabihan. Kahit andyan si Lola. Iba pa rin ang magulang. Salamat kay Lola sa lahat ng katarayan ko. (haha) Miss Independent kasi mahirap mag-aral ng walang mapagtanungan. Mahirap ma-in love ng walang mapagsabihan na talagang pianagdaanan na ang ma-in love. Mahirap mag-college ng walang makausap sa bahay. Mahirap ang walang kasamang magulang. Mahirap mag-budget.
Ako si Miss Trouble. Lapitin ng gulo, lapitin ng away. Muntik na masuspend. Muntik ng mablotter. Nakapagpaiyak ng magulang ng iba. Nakapagpaiyak ng kaklase. Nangupal ng karapdapatan kupalin. Nangupal ng mga kapwa kupal. Na-office at naka-away ang teacher. Nangopya at nagpakopya. Nakipagsagutan sa Lola, teacher, boyfriend at kaibigan. Lapitin ng gulo. Kasi ako na mismo ang gulo.
Ako si Miss Honest. Honest ako sa feelings at thoughts ko. 'Pag naisip ko, isipin ko ng konti kung dapat ko ba sabihin o hindi tapos sasabihin ko na agad 'pag gusto ko sabihin. Minsan umaabot sa point na wala na akong pakelam sa iisipin ng iba. NATATAE AKO, PAKE MO BA?
Ako si Miss Low-Self-Esteem. Nawala...nawala ang tiwala sa sarili.
Kung ikaw ba ang sasabihan ng lahat ng 'yan, masasaktan ka?
Ako, hindi. Kadalasan naman totoo kasi 'yang mga 'yan.
Mas nasaktan/nasasaktan/masasaktan ako sa idea na ako ang dahilan ng hindi ko malamang origin na hatred ng iba o kaya naman ako ang nagpapalakas ng apoy ng hatred ng iba o kaya naman ako ang gumulo ng buhay ng iba. Pero wait, gumulo ng buhay ng iba? Natatawa na nga lang ako dati sa ganan. Pero, ngayon, hindi ko alam ba't....apektado ako sa'yo.
Masaya ako ngayong college. Ang daming friends. At nakilala ko rin kung sino ang true friends. Pero ang dami ko palang hindi kinakausap/nakakausap na mga tao. Kahit masaya ako ngayong college, hindi ko mapigilang isipin ang High School life ko. Masaya kami dun sa SHSI. Namimiss ko sina...
Charm.
Christian.
Ian.
Sarah.
Monch.
Roedd.
Roldan.
Daddi Allen.
Herdie.
at marami pang iba.
Marami na masyadong nangyari..
Masaya ako ngayong College, oo, phase lang siguro 'to.
Matatapos din naman 'to diba?
Magiging normal ulit.
Kahit nuk-nukan ako ng tanga, hindi ako 'yung tipo ng tao na hindi matatanggap ang isang kaibigan dahil sa past n'ya. Hindi naman impotante sa'kin 'yun. Mas importante ang ngayon.
Mas importante kung sino ang naging ikaw dahil sa past mo. Naging prostitute ka man dati, 'wag mo nalang hahawahan ng STD (kung meron man) ang mga kaibigan natin. (haha..tanga mo, Jud/e!)
Kahit sak-sakan ako ng katanga, masasabi kong kaibigan ako. Hindi ko kayang magtapon ng friendship kung ang issue ay between you and me lang. Pero saktan mo ang kaibigan ko, ikaw na mismo ang itatapon ko.
Magkatampuhan man tayo..pag bumalik na sa normal asahan mong mas matibay ang friendship natin. Ganun ako. Hindi ako nangiiwan sa ere.
Ikaw naman, kaibigan (this goes for all people), 'wag mo akong i-judge (this still goes for all people) unless you were in my shoes, which will never fit you.
Hindi ako humihingi ng pasensya sa pagiging honest ko.
Hindi ako humihingi ng pasensya sa mga desisyon ko.
Humihingi ako ng pasensya kasi nasaktan ka sa mga sinabi ko.
I'm sorry...pero I love you :(